Ad Code

RELOS



may isang tindero ang nagbebenta ng relos..

dumaan si kamote at inalok nito..

tindero: boss bili na kayo ng relo kahit pukpukin mo ito ng maso di talaga ito mababasag..

kamote: talaga?!?sige nga magkano ba yan?

tindero: 150 lang..

kamote: aba mura ah, sige bigyan mo ko ng isa..

pagkabili ni kamote excited syang umuwi ng bahay para masubukan ang relos na nabili..

kumuha sya ng martilyo at buong lakas na pinalo ang relo..

ang resulta basag basag ang relo at di na pakikinabangan..

galit na galit si kamote at umuusok ang ilong na bumalik sa tindero ng relos..

kamote: siraulo ka!!manloloko!!sabi mo yung binebenta mong relos kahit pukpukin ng maso di mababasag? eh martilyo pa lang ginamit ko nagkadurog durog na!!

tindero: hala boss!!!baka tinamaan mo!!!

kanote: nyakz!!!

Post a Comment

0 Comments

ShareThis

Close Menu